Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, February 20, 2013

PAOLO BALLASTEROS Gaganap Bilang WARLA Sa Superseryeng KIDLAT!!!


Matagal nang hindi lumalabas sa mga television series si Paolo Ballesteros dahil ang Eat Bulaga ang kanyang priority.

Pero hindi niya natanggihan ang alok na gumanap bilang Warla, isa sa mga kontrabida ni Derek Ramsay sa Kidlat ng TV5.


Tinanggap ni Paolo ang project dahil hindi iba sa kanya si Mike Tuviera, ang direktor ng Kidlat at anak ng Eat Bulaga producer na si Tony Tuviera.

Maganda ang role at hi­git sa lahat, nagkaroon ng reasonable increase sa kanyang talent fee.


Absent si Paolo nang ipakilala sa entertainment press noong Martes ang mga bagong karakter sa Kidlat kaya hindi niya naipaliwanag nang husto ang role ni Warla, ang mujer na may kakaibang lakas at galing sa martial arts.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: